=LYRA= NANINIBAGO ako sa kilos at pananalita ni Aljon. Parang may kakaiba sa kanya ngunit hindi ko naman matukoy kung ano iyon. Pero masaya ako na nakikitang bumabalik na sa normal ang kanyang buhay. Kahit sabihin pang hindi pa bumalik ang kanyang memory. At least nakikita ko ng magaling na talaga siya. Habang nagmamaneho ako pauwi ng aking penthouse ay bumalik sa isipan ko ang nangyari kaninang madaling araw. O tamang sabihin na kaninang umaga. Hindi ko sigurado kung totoo o panaginip ang taong humahalik sa akin. Pero parang totoo na nangyari dahil dama ko ang init na hatid sa aking kaibuturan. Kaya lang sa sobrang antok ko ng mga oras na iyon ay hindi ko na nagawang imulat pa ang aking mata. Nang gisingin ako ni Doc. Aljon, nang tanghaling yon ay pinakikiramdaman ko ang aking sarili.