=ALJON= HINDI ko alam kung ano ang aking magiging reaksyon. Nang abutan ko siya sa gano’n na may kasamang lalaki habang masayang nag-uusap. At hindi ko napigilan ang mainis ng makita ko na umiinom sila ng alak. Wala akong natatandaan kung anong meron sa aming dalawa ni Dra. Jacinto. Pero nakakaramdam ako ng galit kung bakit kailangan maging masaya siya kapag kausap ang ibang lalaki. Gusto kung umalis na lang dahil nasasaktan lang ako sa mga naririnig ko. At ang malaman na parang balewala naman pala kahit wala ako ay masaya pa rin siya. Ngunut ang balak kong pag-alis ay hindi natuloy dahil nakita na nila ako. Kaya naman ay nilakasan ko ang aking loob. Ipinakita kong hindi ako apektado ng mga nakikita at naririnig ko. At hinaharap ko ang mga sasabihin ni Dra. Lyra. Pero bago yon ay naglaka