ANJA INGRID POV. HABANG nakatanaw ako sa natutulog na si Andirus. Hindi ko pa rin magawang hindi sisihin ang aking sarili. Dahil sa katigasan ng aking ulo kaya nangyari iyon sa aking napakabait na asawa. At unti-unting naningkit ang aking mga mata sa galit. Talagang ayaw kaming tigilan ni Yaya Mila. kaya sa isang pagpapasya ay dinampot ko ang aking cellphone at tinawagan ko si Luther. Habang naghihintay ako sa kanyang pagdating ay nilapitan ko si Andrius. Magkatabi lang ang aming kama sa isang silid. Iyon ang ni-request nito sa kapatid na si Doctor JC kaya lumipat kami ng malaking silid. Sinalat ko ang kanyang buhok at banayad na hinaplos iyon. Kailangan na akong kumilos dahil sobra na ang ginawa ni Yaya Mila sa buhay ko at buhay ni Andrius. Kaya ng nakatanggap ako ng text na nasa lab