ANJA INGRID POV. DALAWANG linggo na ang nakalipas magmula ng masaksak ang asawa ko. At kasalukuyang nasa corporation ang partner nito na si Isaac at inaayos ang problema doon kaya sinamantala namin ang pagkakataon. Tinawagan ng asawa ko ang pinsan niyang si Atty. Vince. Gusto raw niyang mag relax muna kami at napili niyang puntahan ay ang resort ng pinsang niyang si Vince na nasa parte ng Mindanao. At syempre kasama namin ang kanyang mga kapatid at pamilya ng mga ito. Para din daw makapag-bonding na rin silang pito at gusto rin ni Andrius i-open ang tungkol sa gagawing pagpapakasal nilang pito. Siya lang daw ang hinihintay ng mga Bastardo upang matuloy na ang engrandeng kasal sa simbahan na matagal nang nakaplano. “Saang parte ng mindanao ba tayo pupunta, Andrius?” “Bahay bakasyunan sa