=LOKI= ALAM kong mali ang pagpapanggap pero kung doon kaming dalawa magkakasundo ay ayos na yon. At least may kasiyahan naman naidudulot sa akin. Sabihin man na makasarili ako dahil iniisip ko lang ay ang sarili kong kaligayahan ay wala akong paki sa sabihin ng ibang tao. Ngayon na nga lang ako magiging masaya pagkatapos ng mahabang panahon. Ang mahalaga ay nabibigyan niya ako ng konting atensyon. “Loki, OA mo brother.” “Anong OA doon sa ginagawa ko ay doon ako masaya eh.” “Ewan ko sayo kapag nalaman niya ang totoo. Baka mas lumalala pa ang sitwasyon ninyong dalawa.” “Ayaw kong isipin na darating ang bagay na yon sa aming dalawa.” “Bakit kasi hindi mo na lang sabihin ang totoo sa kanya. At kung magagalit man siya ay wala kang magagawa. Ang importante ay walang kasinungalingan.” “Paa