=ELLENA= NGAYON ay panatag na akong nakikita si Papa na nasa maayos ng kalagayan. At tapos na rin ang isang linggong break na binigay sa akin ni Big Boss. Nag-hire ako ng magiging kasambahay upang may kasama si Papa sa araw-araw kapag nasa trabaho ako. “Manang Lorie, tatlong araw pa po bago makalabas ng ospital si Papa. Kaya kahit sa araw na yon ka na lang magsimula.” “Mabuti pa nga ineng dahil wala pa rin lang ang aking manugang at hindi rin ako basta makaalis ng bahay.” “Sige, salamat po.” “Basta ipaalam mo lang sa akin kapag narito na ang iyong ama.” “Opo.” Nang umalis na ang ginang ay inayos ko ang mga gamit ko para sa pagpasok ko sa trabaho. Hinamig ko rin ang mga labahan at dinala ko sa laundy upang wala kaming labahan sa araw ng paglabas ni Papa. Naglinis din ako ng buong bah