=LOKI= NANG nawalan siya ng malay ay nakaramdam ako ng matinding takot. Kaya walang ibang pumasok sa aking isipan kundi tawagan ang kapatid kong doktor. At habang naghihintay ako ay sinindihan ko ang mga ilaw at nagliwanag ang buong paligid. Tumambad sa aking mga mata ang pagbi-bleeding niya kay mas' lalo na akong nalito. Subalit ng alisin ko ang maskara niya at ang suot na wig ay hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Nilapitan ko pa talaga siya at tinitigan saka ako tila natauhan at mabilis ko siyang kinarga. Panay din ang dasal ko na walang masamang nangyari sa kanya. Kaya ng dumating ang kakambal ko ay nagkakanda-utal-utal ako sa pagpapaliwanag sa kanya. "Relax brother, kasi hindi kita maintindihan masyado kang panic." "At anong gusto mong gawin ko maging kalmado na ganyan ang