ANJA INGRID POV. NAKATANAW lang ako sa aking asawa habang kasali siya sa palaro. Ganito pala ang pamilya ni Andrius napakasaya at walang katulad. Kaya naman sobrang thankful ako na si Andrius ang naging asawa. “Kumusta ang pagiging Mrs. JAM?” ani ng isang babaeng may asul na mga mata at ngayon ko lang nakita. “A-Ayos naman." tipid kong sagot sa kanya. "Mabait ba siya?" "Yeah, at wala akong masabi kundi pasasalamat sa Diyos na siya ang lalaking natagpuan ko." "Masaya ako para sa inyo ng pinsan ko, saan pala kayo nagkakilala?" "Sa mali nagsimula ang lahat ng nangyari sa aming dalawa. Dahil inakala niya na ako ay anak ng taong siyang dahilan ng kamatayan ng kanyang dating asawa. Gano'n pa man ay wala akong pinagsisihan bagkus ay puro pasasalamat. At masasabi kong isa sa the best na la