=LYRA= HUMINTO kami sa site at alam kong magugustuhan ito ni Aljon. Kaya nang tanungin ko siya ay agad siyang nag-thumbs up. Nasisiyahan din ako sa kanyang naging reaksyon. Obvious na gusto niya na agad mapasimulan ang constructions. Panay din ang palinga linga niya sa paligid habang patango tango. “Satisfied?” “Yeah, maganda ang site so, kailan ang plano mong simulan ito?” Anytime.” Malapad ang pagkakangiti ko habang nakasandal sa aking motorcycle. “Okay, excited na ako.” wika pa niya na may masayang mukha. “Let’s go at may pupuntahan tayo.” “Saan naman yon?” “Basta sumunod ka lang sa akin.” saka ko pinasibad ang aking motorcycle at natanawan ko siya sa side mirror na sinisikap akong habulin. Kaya naman ay binagalan ko ng konti ang pagpapatakbo. Mahirap na hindi niya ma-control ay