=ALJON= KAHARAP at kahalubilo ko ang pamilya Montemayor. Masasabi kong perpektong pamilya ang pinanggalingan ni Lyra. Sa kanila ay pantay pantay ang lahat at hindi sila tumitingin sa status ng isang tao. Masaya, nagkakaisa, may respeto at nagmamahalan. Patunay na lang ang pagtanggap nila sa akin bilang ako. Kahit hindi ko naranasan ang ganito sa pamilyang pinaggalingan ko ay malaki pa rin ang pasasalamat ko sa Diyos. Sapagkat binigyan niya ako ng babaeng kagaya ni Lyra. “So, totoo nga na ikaw ang lalaking nakatakda sa kaibigan ng pamilya Montemayor. Magaling kang pumili Dr. Herrera, maganda, matapang, mayaman at higit sa lahat kaya kang ipaglaban. Ikaw anong kaya mong gawin samantalang biyak ang iyong dibdib at ang ulo. Baka isang suntok lang sa iyo ay mamatay ka na kaagad huh!.” Tining