=LYRA= NARITO ako sa isang lugar na hindi ko dapat pinupuntahan. Ngunit hindi ko mapapa lampas ang ginawa ng babaeng yon kay Aljon. Walang sinuman ang maaaring mang-insulto sa taong mahalaga sa buhay ko. Nang makita kong palabas ng parking ang kotse ng babaeng yon ay agad kung sinundan. Sinara ko ang salamin ng aking helmet at nanatiling naka buntot ako sa likuran ng kanyang sasakyan. Pagdating namin sa highway at bihira ang sasakyan ay bigla akong nag-overtake sabay cut sa linya ng kanyang kotse. At halos sumadsad ito sa gutter at nang huminto ay mabilis akong bumaba. Nakita kong bumaba rin siya at lumapit pa talaga sa akin. Akmang mumurahin niya ako ng malakas ko siyang sampalin. Pagkatapos ay sinundan ko pa ng isang sipa at lupasay siya sa semento. Saka ako mabilis na sumakay sa akin