=ALJON= ONE year later… Opening ng ospital, at pitong buwan na rin buntis si Lyra, sa una naming anak. Hindi na talaga namin napigilan pang hintayin ang aming kasal. Kaya heto at malaki na ang kanyang tiyan. Lagi rin akong nag-aalala dahil gano'n pa rin siyang kumilos. Baka mamaya ay bigla siyang mapaaanak ng wala sa oras. Ang laki na kasi ng tiyan ay tumatakbo pa rin siya sa loob ng ospital. Lalo at may kulang pa na medical equipment ay hindi siya titigil hanggang hindi kumpleto ang lahat. "Bilisan ninyo ang kilos at ilang oras na lang ay mapupuno na ng tao ang hall. Dapat nasa ayos na ang lahat para naman hindi nakakahiya kay Father Marco." "Mahal, maupo ka na muna doon at ako na ang bahala dito. Baka mamaya ay bigla kang mapaanak sa kakatakbo mo eh." "Huwag kang OA, Aljon huh!" "