ISANG buntong-hininga ang pinakawalan ni Louraine nang mag-isa na lang siya sa kuwarto niya. Gwyn left with Kyle an hour ago para tapusin ang mga kailangang tapusin sa venue. They have no time to waste now that the exhibit was drawing near. She even called Serena para raw may makasama siya habang nagpapahinga. The doctor advised her to take a full day rest dahil patuloy pa ring bumababa ang blood pressure niya kaya kinailangan siyang obserbahan hanggang sa maging stable ulit iyon. Honestly, she didn't want to stay long here. She doesn't need medical attention dahil wala naman siyang sakit. But she couldn't refuse to stay. She had to rest for the welfare of her baby. Her baby. Tinanaw niya ang labas ng bintana kung saan nakikita niya ang abalang mga tao sa ibabang nagpaparoo't parito, mg