TUTOP pa rin ni Louraine ang bibig niya habang nagpaulit-ulit na naglakbay ang paningin niya sa litartong iyon, pero hindi pa rin niya mapigilang humikbi. Ilang ulit pa siyang kinatok ni Gwyn sa loob ng CR hanggang sa sumuko na ito. Wala siyang balak na lumabas at harapin ang mga taong nakasaksi sa katangahan niya. She couldn't believe it. Hindi siya makapaniwalang magagawa ni Duke na pagtaksilan siya. Ito ba? Ito ba ang kailangan niyang ayusin? She smiled bitterly. Siguro nga nakapagdesisyon na si Duke. This was a proof he wanted to put an end to their relationship. He already decided to let go of her and their marriage. Wala na yatang kailangan pang isalba sa kanilang dalawa. Wala nang naiwan. Pero meron, Louraine. Ang anak niyo... bulong ng kanyang isipan. As if on cue, her phone v