"LOURAINE!" Narinig niyang tawag sa kanya ni Duke. Alam niyang sumunod ito sa kanya kaya lalo pa niyang binilisan ang paglalakad niya patungong elevator sa kabila ng nanlalabo niyang paningin dahil sa mga luhang gustong kumawala sa mga mata niya. Nilalabanan niyang huwag lumingon at bumalik para magmakaawa kay Duke na huwag siyang saktan at iwan. Magunaw na lahat ng puwedeng magunaw pero hinding hindi niya gagawin iyon sa sarili niya. Hindi niya babalikan ang taong bumitaw sa kanya. Malapit na siya sa elevator nang marinig niya si Yumi. "Duke, sa'n ka pupunta?!" "Let go, Yumi," iritadong sabi ni Duke saka niya narinig ang muling pagtawag nito sa kanya at kasabay no'n ang pagtunog ng elevator. "Louraine!" tawag nito nang sumakay siya. Magsama kayong dalawa, mga manloloko! Ilang ulit