SIX YEARS AGO... "Don't lose him, Quin. We need him." Pilit na kumakalma si Duke habang pinapakinggan si Philip Jin Mashall, ang Fil-am private investigator na kinuha niya para paimbestigahan ang kaso ng pandaraya sa kompanya nila, habang kausap nito ang isa sa mga agent nito. They were currently in Canada while all of these things were happening. And what they only have now was the phone to communicate with. Hindi siya puwedeng umuwi habang inaasikaso niya ang pag-aaral niya tungkol sa pagpapatakbo ng kompanya. He couldn't leave while his family were worried about their own safety. He's father was out of fit to do anything. Masyado itong nanghina sa mga nangyari, especially while his mother almost died. At kailangang mayrong gumalaw para masiguradong may malalagot sa pagbagsak ng komp