"DONATELLO, saan niyo dadalhin iyan?" biglang tanong ni Serena nang dumaan ang butler ng mansion kasama ang dalawang kasambahay nila na tulak-tulak ang isang cart ng buffet table. "Pinapaakyat po ulit ni Sir Duke ang hapunan niya ngayong gabi, señorita." Mabilis na umangat ang ulo ni Louraine kay Donatello nang marinig ang sagot nito. Na naman? "Again?" iritadong sabi ni Serena na siya mismong nasa isip niya. "Ano na namang drama ni kuya at ayaw na yata niyang lumabas ng library?" baling ni Serena sa kanya. Kasalukuyan silang kumakain ng hapunan at kakarating lamang ni Duke galing sa trabaho. She thought he would join them in the table because he was home early tonight, compare to the past nights. He's been coming home really late that she'd fall asleep waiting for him. Pero kagaya p