"MA'AM, uuwi na po ba kayo?" tanong ni May Anne sa kanya habang nagliligpit siya ng mga gamit niya. Tumingin pa ito sa relong pambisig nito para tingnan ang oras. It was only two in the afternoon and yet she was preparing to leave, kahit na hindi pa naman oras ng uwian. Marahan niyang pinunasan ang basang mata niya bago bumaling sa secretary ni Gwyn. "Ikaw na muna ang bahala rito, May Anne. Tell Gwyn I left early if she comes back, okay?" "Okay po," tango nito pero hindi pa rin ito umaalis sa tabi niya. "Ahm... ma'am, ayos lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong nito mayamaya. Saglit siyang tumigil para tingnan ito at pilit na ngumiti. She wanted to say she's okay, pero hindi lang kay May Anne siya magsisinungaling kun'di pati na rin sa sarili niya. She wanted herself to believe she's oka