MICHIGO HELA RIVAS HINDI ako mapakali habang iniisip ang mga nangyari noong isang linggo sa naganap na reunion namin. Si Xavier mula no'n ay 'di na siya maalis sa isip ko. Magaling ka na Michigo. Dapat 'di mo na siya naiisip pa. He's no longer your obsession. Ang sabi ng doctor magaling ka na kaya dapat 'di mo na siya naiisip pa. "Mommy, may problem ka po ba?" My son Vierro, pulled my sleeves to get my attention. "Wala naman..." sagot ko sa kaniya. "Ows? Bakit you are looking far away?" Napangiti ako ng tanungin niya yon lalo na ng tumingin siya sa direksyon na pinagtutungangaan ko. "Pader lang naman ang mayro'n diyan." He remarked once again. "Oo nga anak, may iniisip ka ba, ilang araw ka ng tulala diyan. Is anything bother you?" tanong ni Mama sa akin. Umiling ako bilang sagot sa