HINDI ko mapigilan ang pagkagat ko sa kuko ko habang pauwi ako sa bahay namin. Napatingin ako kay Vierro na busy sa pakikipaglaro kay Xami sa likod. Ano bang pumasok sa isip ko at pumayag ako magpahatid sa kaniya? Bakit ba 'di ako nagmatigas? Sinulyapan ko ng tingin si Xavier at kitang- kita ko ang pagtiim ng kaniyang bagang. Paano ba naman ako tatanggi kung ganito siya kagalit? "Hindi mo anak si Vierro." Muli kong pag-ulit. Hininto niya ang sasakyan at saka tumingin sa akin, he smirked. "You might be the greatest liar but I know you so well. Don't try to lie to me." Banta niya sa akin. "What's the point of this one, Xavier? I already let you go." Hindi na siya sumagot sa akin. He drove again until we reach our house. I mean, my parent's house. "Vierro, bumaba ka na ng sasakyan." Giit k