MALAMIG na hangin ang dumadantay sa aking balat. Tuluyan na akong nagising nang maramdaman ang malamyos at mabibining halik sa aking likuran. Bahagya akong nakadapa at balot lamang comforter niya. Mula sa aking gulugod umakyat ang halik niya sa gitna ng aking likod na para bang kinikiliti ako. Naging sunod-sunod ang kanyang mabining halik at umabot hanggang sa aking balikat. Ngumiti ako at saka unti-unting dinilat ang mga mata. Niyakap niya ako mula sa likuran at ginawaran ng halik ang aking leeg. Oh, he’s on clothes now while me still naked. Ang akala ko’y pagtahan ng halik niya ay simula pa lang pala. Sinimulan niyang halik-halikan ang aking tainga at kabuuan ng aking panga. Giving me a fire at this morning. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa na tila sinasadya ang paghalik-halik para