TAHIMIK lang akong nakadungaw sa bintana ng sasakyan niya kahit na punong-puno ako ng excitement dahil sa wakas, nakalabas din ako ng bahay na iyon. Hindi ko lang pinahalata kahit na nagmukha na akong inosente dahil sa sobrang excitement. Bigla ko na lang naramdaman ang paghawak niya sa kamay ko. Nilingon ko siya. He’s driving, ngunit pinagsalikop niya ang aming mga kamay at dinala sa labi nito. And yet, another kissed from him. I smiled at him. “Saan ba talaga tayo pupunta? Bakit ‘di ko pwedeng malaman?” ungot ko. Kanina ay tinanong ko siya kung saan kami pupunta lalo pa at hindi niya pinasama ang mga bodyguard niya. Which is very rare. Ipinatong niya ang mga kamay namin sa kanyang hita. Isang beses niya akong sinulyapan at saka sinundan ng kakaibang ngisi. He has a mischievous smirk.