PUMASOK kami sa maliit na silid kung saan nakatago ang mga baril. Kung pagmamay-ari ba niya lahat ng ito. Gusto kong tanggalin iyon sa utak ko. But awhile ago, he’s holding a freaking gun like a pro! Hindi ko man alam ang pagkakaiba no’n sa tunay na marunong, but atleast I know that he’s holding it like he used to. Huminto kami nang marating namin ang mesa kung saan nakapatong ang dalawang keyboard. Para pa ring sasabog ang dibdib ko sa walang humpay na pagsipa ng puso ko. His shirt has blood stain na malamang ay galing kay Lex. Sanay na akong makakita no’n pero may takot pa rin akong nararamdaman. Hindi siya nagsasalita at dumadagdag iyon sa pagkakilabot ko. Ngunit ang pagguhit ng kirot sa aking dibdib ang mas nangingibaw. Tiningnan ko ang kanang kamay niyang may hawak pa ring baril. “B