RAMDAM ko pa rin ang bigat ng pakiramdam ko kahit na alam kong nakalaya na ako nang tuluyan kay Rixor. Walang takasang naganap. Sinundo ako at maayos na kinausap ng kapatid niya, pero bakit ganito kasakit? Tila may sugat na naiwan sa akin. Binalingan ko ng tingin ang katabi kong si Lex ngunit ito naman ay tahimik lamang na nakadungaw sa bintana. Gumaling na ang ilang sugat niya ngunit nandoon pa rin ang naiwan na bakas sa mukha niya. Siya ang kanang kamay ni Rix. Paano na ngayon na wala na sa tabi niya si Lex? Tulad ko ay kinuha rin ni Matteo De Silva si Lex upang ipagamot. Yumuko ako at tiningnan ang kaliwang kamay. Will I ever be okay again? Dinala kami ni Matteo sa Manila, sa kanyang bahay. Sa labas pa lamang ay ilang tauhan na niya ang nakaabang sa amin. Napatuwid ako ng upo nang mak