PINARADA ni Liam ang Montero niya sa tapat ng maliit naming brown na gate. Tinanggal ko ang pagkaka-lock ng seatbelt ko, sa aking gilid ay gano’n din ang ginawa niya. “Gising pa nga kaya si Mavi?” aniya. Nilingon ko siya pagkatapos buksan ang pinto, “Hihintayin daw niya ako. May sasabihin ka ba?” kumunot ang aking noo sa pagkakatingin sa kanya. Ngumuso siya at may kinuha sa backseat. Sinundan ko ang kanyang kamay at saka ko nakita ang isang malaking box ng Barbie “Ibibigay ko ‘to sa kanya. Ni-request niya ‘to sa akin n’ung huli naming kita.” I sighed. Pinanliitan ko siya ng mga mata. He’s spoiling her again. “Liam, palagi mo na lang binibili ang lahat nang magustuhan ni Mavi! Paano kung kalakihan niya iyan? Mukhang mahal pa ‘yan ah..” I scolded him a bit. Well, ang point ko naman ay ‘