Chapter 27

2507 Words

Abot-abot ang kaba ni Bendita habang pinipihit ang pinto ng executive office. “Yes, yes. We will be there. Don’t worry…Fabia.” Nakagat niya ang labi at marahang isinara ang pinto sa kanyang likuran. May kausap si Daiy sa cell phone at nakatalikod ito sa kanya. Hindi siya gumalaw sa kanyang kinalalagyan hanggang sa matapos ito sa pakikipag-usap. “I’m glad you’re here, come, sit.” Lumingon ito sa kanya at nakita niya ang nakangiti nitong mukha. Hindi niya alam pero medyo kumalma ang kanyang nararamdaman nang magtama ang kanilang mga tingin. Huminga siya nang malalim at saka lumapit. Nakaupo ito sa swivel chair. Iminuwestra naman siya nito sa isang upuan na nasa tapat nito. Lumunok siya at umupo na rin doon. Hindi niya matagpo ang tingin nito. Nakapatong ang kanyang dalawang kamay sa mg

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD