“Anak, okay ka lang ba? Kagabi ka pa tulala. Nag-aalala ako.” Napakurap-kurap si Bendita nang maramdaman ang paglapat ng kamay ng mama niya sa kanyang braso. Nilingon niya ang kanyang ina at nakita niya ang pag-aalala sa mga mata nito. Napalunok siya at saka huminga nang malalim. Ngumiti siya rito. “Opo. Medyo napuyat lang kagabi.” Marahan siyang tumawa para lang makumbinsi ang ina na okay nga lang siya. Tinitigan lang siya nito. Hindi agad ito nagsalita pero sa huli ay bumuntong-hininga ito at tumango. Mas ngumiti lang siya at hinawakan ang kamay ng ina. “Hmm sige po, maghahanda pa ako sa trabaho,” sabi niya lang dito at saka tumayo. “Mag-agahan tayo nang sabay, nandoon na ang mga kapatid at ama mo sa baba.” “Sige po.” Tumango lang siya rito. Maya-maya pa ay umalis na rin ito at pin