“Anak, hindi na ba talaga ito mapipigil? Pwede namang magpabukas ka na lang,” nakalabing sabi ng Mama ni Bendita habang nakahawak sa kanyang dalawang balikat. Napailing na lang siya rito at saka natawa sa kanyang ina. Tinapik niya rin ang balikat nito at niyakap pa ang ina. “Ma, hindi po talaga, e. Buti nga pinayagan pa akong sumaglit dito, e. Sorry na, ang dami pa kasing tatapusin,” aniya pa. Bumuntong-hininga ang kanyang ina at mahinang tumango na lang. “Hay, alam ko naman iyon. Pasensya ka na at medyo emosyonal lang ang mama mo. Kasi naman! Birthday na birthday ko!” Sumimangot pa ulit ito. Bumuntong-hininga lang ulit si Bendita at niyakap nang mahigpit ang ina. Birthday kasi nito at nataong wala silang shooting kaya nagpaalam muna siya kung pwedeng kahit saglit lang ay pumunta