A concert tour is undeniably one of a singer’s bucket list in the duration of his/her career. Bihira lang naman kasi talaga na mabigyan agad ng chance makapag concert tour lalo pa at ang dami-dami ng magagaling na singers ngayon. Kumbaga, talagang kailangan mong makipagsapalaran para mai-prove na deserve mong magka-tour. Hindi lahat ay napagbibigyan kaya sobrang blessed at saya ni Bendita na kahit bago pa lang siya ay matutupad na ang isa sa mga bucket list niya bilang singer. After a year of preparation, she’s finally going to have her own tour. Hindi niya tuloy mapigilan ang mapangiti na lang sa tuwing inaalala niya kung saan siya nagsimula. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Bendita habang nakatitig sa kabuuhan ng city mula sa balcony ng kanyang hotel room. Nakagat niya ang l