“Congratulations!” excited na sigaw ni Bendita at agad na dinamba ng yakap si Niccolo pagkabukas na pagkabukas nito ng pinto. Natawa na lang ang lalaki at napailing sa kanya. Sinalo naman siya nito kaagad at mahigpit na niyakap. “Hmm you’re staying with me tonight?” malambing na sabi nito habang hinahalik-halikan ang kanyang ulo. Tumango-tango lang siya rito. Isang mahabang halik ulit ang iginawad nito sa kanyang noo bago siya nito binitiwan. Ipinulupot niya naman agad ang kanyang mga kamay sa batok nito. Nagkatitigan sila. “Bakit?” sabi niya pa. Ngumisi lang si Niccolo at saka umiling. Tiningnan pa nito ang labas ng bahay. “Ikaw lang mag-isa?” tanong nito. Ngumuso siya at saka tumango. “Yep. Nagpahatid lang ako right after ng guesting ko,” sagot niya pa. Tumango si Niccolo at m