Hindi na naulit pa na kinausap si Bendita ng kanyang mga magulang. Pagkatapos ng tagpong iyon ay tila naging ilag ang mga ito sa kanya, nag-aalala na baka mag-break down na naman siya. Mula noon ay hindi na siya tinanong o kinulit pa ng mga ito. Maski ang mga kaibigan niya ay hindi na rin siya kinausap tungkol doon. Ilag pa rin siya sa mga tao, pero sinusubukan niya nang lumabas at magbantay rin sa pwesto nila sa palengke. Hindi naman kasi pwedeng magmukmok na lang siya roon habang buhay at palapit na rin naman ang klase niya. Kakailanganin niya ring humarap sa mga tao pagka bukas ng klase. “Anak, sure kang okay ka lang ba rito? Pwede naman kitang samahan," paninigurado ng ina niya. Nginitian niya lang ito at tinanguan. "Okay lang po ako." Nagkatinginan pa ang kanyang mga magulang p