Chapter 13

2565 Words

“Anak, sigurado ka bang dito ka lang? Ayaw mong pumunta sa palengke? Ahh alam mo na? Miss ka na rin ng mga tao roon.” Natigil sa pagkain si Bendita. Binalingan niya ang ina. Nakangiti na ito sa kanya. Tiningnan niya rin ang mga kapatid at ama niya na kasama niya sa hapag. Umagahan kasi iyon at sabay-sabay silang kumakain. Ilang araw na rin simula noong nakauwi "siya at mula noon ay wala siyang ibang ginawa kundi ang matulog at magmukmok sa bahay. Hindi na nga siya lumalabas talaga. Ni hindi nga siya nakikipag-usap sa mga kaibigan niya. Tahimik lang siya roon, tumutulong pa rin naman siya sa mga gawaing bahay, iyon nga lang ay hindi lang talaga siya nakakausap. Ramdam na ramdam niya ang pagtataka at pag-aaalala ng mga magulang at kapatid niya pero walang sinasabi ng mga ito. Siguro nais

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD