“Ate sa emergency!” iyon ang bungad ni Ben sa kanyang ate. Mabilis na tumakbo si Bendita papunta sa emergency room. Kasunod niya si Lena at ang bunso. Wala na siyang naging pakialam sa paligid. Ang tanging pokus na lang niya ng mga panahong iyon ay ang makarating sa emergency room. “Pa!” Halos lahat ng naroon ay napatingin sa kanya nang bumalibag ang pinto ng ER. Isang nurse agad ang lumapit sa kanya para palabasin siya. “Pa! Pa!” Hindi na niya napigil ang mga luhang bumababa sa kanyang pisngi. “Bendita! Anak!” Napalingon siya at nakita ang kanyang ina na umiiyak na rin. Napayakap na lang siya rito. “Sa waiting area na lang po muna tayo, Ma’am.” Narinig niyang sambit ng nurse na umalalay sa kanila. Wala silang nagawa kundi ang maupo sa waiting room. Kasama nila roon ang mga kapatid