“Nandito ka na naman? Ano ba, hindi mo ba talaga ako titigilan, ha?” Ipinagkuros ni Bendita ang mga kamay habang mataray na nakatingin kay Niccolo. Nasa karinderya malapit sa pwesto nila rito sa palengke ang lalaki at kumakain ng umagahan. Hindi siya sinagot ng lalaki. Nakatitig lang ito sa pagkain at ni hindi nga siya nilingon pa. ‘Aba’t ang kapal nga naman ng mukha ng isang ito! Ugh!’ Nakagat niya na lang ang labi sa sobrang inis. Ipinadyak niya ang mga paa. “Hindi mo ako makukuha sa pasunod-sunod mo! Stalker!” Inirapan niya ito at agad na tinalikuran. Dinig na dinig niya pa ang bulong-bulungan ng mga tao sa paligid. Hindi niya na lang pinansin iyon at dumiretso na sa pwesto nila. Sinalubong siya ng kanyang ina na kunot na kunot ang noo. “Ano na namang nangyari? Umalis na ba?” t