"Okay ka na ba?” marahang tanong ng ina ni Bendita sa kanya. Kinuha nito ang baso ng tubig sa kanyang kamay at ibinalik sa center table. Tumabi ito sa kanya at marahang hinagod ang kanyang likod. Tipid na ngumiti lang siya rito bago tumango. “O-Okay na po ako,” sabi niya pa. Bumuntong-hininga ang kanyang ina. Hindi pa rin mawala ang pag-aalala sa mukha nito. Napalunok siya at napaiwas ng tingin. Binalot sila ng katahimikan. Ang kuliglig na tumutunog sa palibot ng kanilang bahay ang tanging naririnig niya. Ilang minuto na rin simula noong umalis si Niccolo. Katatapos niya lang umiyak at ramdam na ramdam niya pa rin ang hapdi ng kanyang mga mata. “Siya pala iyong sinasabi mo, anak? Siya pala iyon?” ani ng mama niya. Nakatitig pa rin siya kawalan. “Bakit ka pa niya pinuntahan dito kung g