“Ano?! Anong pauwi ka?! Bendita, ano na naman bang nangyari?!” “M-Mamaya ko na sasabihin, Len, pwede? Basta pasundo na lang ako please?” “Ha? Bakit? Wala bang service? Anong-” “Lena, sige na!” Nag-echo sa buong kwarto ang boses ni Bendita. Mariing pumikit siya at at pabagsak na napaupo sa kama. Nasapo niya ang kanyang dibdib. “Sige na, Lena,” mahinahong sambit niya kahit na halatang-halata pa rin sa boses ang panginginig. Hindi na niya hinintay pang makapagsalita si Lena sa kabila at ibinaba na niya ang tawag. Taas-baba ang kanyang dibdib nang matapos ang tawag. Sobrang gulo ng kanyang isip at hindi niya alam ang kanyang gagawin. Huminga siya nang malalim. Nang makalma ay mabilis din siyang tumayo at mabilis na kinuha ang kanyang mga damit. Sobrang nagmamadali na siya at natataranta n