“Congrats, anak!” “Congrats, Te!” Agad na sinalubong ng yakap ni Bendita ang kanyang pamilya nang makalabas siya sa backstage. Mahigpit na yakap ang sinalubong ng mga ito sa kanya. She just finished performing her new single at gaya ng sabi niya ay nandoon ang kanyang pamilya para i-witness ang kanyang single release. Kasabay ng kanyang live performance kanina sa isang sikat na noontime show at ipinalabas na rin sa mga digital music platforms at mga social media sites ang music videos at mga tracks niya. “Ma! Pa! Thank you kasi nandito kayo!” masayang sabi niya sa mga ito. Hindi niya maisatinig ang kasiyahang kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon. “Hay nako! Oo naman, no! Support kami sa’yo! Iyong mga kapitbahay natin, todo stream na rin kaya!” anito sa kanya. Hindi niya tuloy m