Chapter 8

2183 Words

“Anak, Ben, kunan mo muna ng makakain si Sir RA at ang ate mo.” Narinig ni Bendita na sabi ng kanyang Mama. Agad namang tumalima ang kanyang kapatid at iniwan sila roon. Hindi mapakali ang kaloob-looban ni Bendita habang kaharap si RA. Hindi niya na nga mabilang kung ilang beses na siyang bumuntong-hininga at lumunok. Ewan ba niya kung bakit siya kinakabahan at nati-tense. Nagkatinginan pa sila ng kanyang Mama. Ngumiti ito at tumikhim. “Sir RA, nahanda na po namin ang lahat ng kakailanganin ni Bendita,” sabi pa nito kay RA. Binalingan niya ng tingin ang scout at nakita niyang tumango-tango naman ito. “That’s nice. Tapos na rin ba ang sem mo, hija?” Bumaling ito sa kanya. Ngumiti siya at tumango naman dito. “Bale may aasikasuhin na lang pong requirements at clearance para sa grades

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD