“Konting-konti na lang mga te!” “Ay sinabi mo pa! Let’s go end of class!” Natawa at napailing si Bendita sa mga sigaw ng kanyang mga kaibigan. Katatapos lang ng kanilang last exam at sa wakas ay patapos na rin ang kanilang sem. May iilan na lang silang ipapasa at magpapa-sign na lang ng clearance ang mayor nila para sa mga teachers. Wala na rin naman talagang grabeng gagawin at wala na namang klase. Attendance na lang naman ang habol nila roon at may mga professor silang maaarte. Sabay na nag-inat-inat pa sila pagkalabas ng gate ng campus. Marami ring mga papalabas na mga estudyante ang naroon. Bumuntong-hininga si Bendita at nilingon ang kanyang mga kasama. “Kain tayo!” yaya niya pa sa mga ito. “Tara, sis!” Si Mario na agad umangkla sa kanya. “Libre mo?” tanong pa ni Lena. Um