"Axel, sana lang hindi 'to malaman ni Dahlia," nag-aalalang wika ni Kobie nang magkita kami. Tumango ako at sumasang-ayon din sa kaniya. Iniisip ng maraming beses kung ano nga ba ang dapat na gawin. Sa mga oras na ito ay para rin akong nabagok sa matigas na bagay dahil tila wala rin ako sa tamang katinuan upang isipin ang tamang gawin. Sa katunayan ay hindi ko alam kung ano ang tama o mali sa mga oras na ito. At dahil sa pagmamahal na hinangad ko kay Dahlia, gusto kong itago ang totoong nangyari kay Kobie. "Tama ka. Dapat lang na hindi niya 'to malaman. Dahil kung totoong mahal mo talaga si Dahlia. Hindi mo siya hahayaan na masaktan ng ganito. Mas magiging masaya siya kung wala siyang alam sa nangyari sa 'yo. Baka sisihin niya ang sarili niya kapag sinabi ko," seryosong sagot k

