"Anak, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni Mama nang mamita akong tulala habang nakatingin sa kawalan. Hindi ko man lang namalayan na nakauwi na pala si Mama sa bahay dahil sa malalim na pag-iisip. Ang kaniyang palad ay nasa aking balikat na para bang alam niyang may pinoproblema ako at gusto akong damayan sa pagharap ng aking mga problema. Kahit naman hindi ko sabihin sa kaniya ay malalaman at malalaman niya pa rin ang totoo. Magsinungaling man ako sa kaniya pero hindi ko siya maloloko. Anak niya ako kaya kilalang-kilala na niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi ako makakapagsinungaling sa kaniya lalo na sa totoo kong nararamdaman ngayon. Hindi ko alam kung kanina pa ba niya ako pinagmamasdan. Marahil ay nakita niya ang kalungkutan ko ngayon. Ang alam ko lang

