Hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko dahil ang tanging tumatakbo sa isip ko ngayon ay walang iba kundi si Axel. Alam ko rin na nahahalata ni Tita Teria na balisa akong kasama siya at gusto ko nang umalis kaagad. Pero lumambot ang puso ko nang makita ko siyang tahimik na lumuluha. Nakaramdam tuloy ako ng konsensiya dahil sobrang bait pa naman nito sa akin noon at kahit ngayon ay wala pa ring nagbago sa pakikitungo niya sa akin. Muli kong sinulyapan ang orasan na nakasabit sa puting pader ng coffee shop, sa lugar kung nasaan kami ngayon naroroon ni Tita Teria. Bilang normal na tao. Hindi ko mapigilan ang kabahan kahit na wala naman akong ginagawang masama. Ganoon lang talaga siguro. Masyado lang akong advance mag-isip na baka may makakita sa akin at kay Tita Teria na magkasama

