Dalawang araw... dalawang araw kong hinintay si Kobie para magpakita at magparamdam man lang siya sa akin. Para naman kahit papaano ay maramdaman kong mahalaga pa rin ako sa kaniya. Pero hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kaniya. Kung tulog pa ba siya sa mga oras na ito o gising na. Kung nagmumukmok ba ito sa bahay nila o sa condo niya? O kaya naman ay subson sa pagtatrabaho sa kaniyang opisina. Kung normal ba ito o lasing. Kung buhay pa ba ito o humihinga pa ba? Gusto kong malaman kung ano ba ang ginagawa niya ngayon at kung naiisip niya ba ako sa mga oras na ito. Hinintay ko siyang komprontahin niya ako kinabukasan pero masyado ko lang pinapaasa ang sarili ko. Iniisip ko na lang na masyado siyang abala dahil sa sarili niyang negusyo. Panpalubag loob. Kahit ang lab

