"Kobie, ano'ng ginagawa mo?" nagtataka kong tanong sa binata dahil sa higpit nang yakap niya sa akin. Hindi ko rin mapigilan ang sariling mautal habang nagtatanong sa kaniya. Ang tagal na naming hindi nagkikita. Hindi nagkaka-usap at ngayon ay bigla na lang niya akong yayakapin na parang wala ng bukas. Inaamin ko sa sarili ko na namimis ko siya ng sobra. Gusto kong matuwa pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa. Ang nga yakap niya ngayon ay puno ng damdamin at pangungulila. Inaamin ko na gusto kong maramdaman ang yakap niya sa akin ng mas matagal pa. Gaya ng mga yakap niya sa akin dati. Pero nilabanan ko ang aking sarili at hinawakan ang dalawa niyang kamay upang tanggalin iyon mula sa aking bewang. Ngunit sa tuwing sinusubukan kong tanggalin ang kaniyang kamay na nakapu

