Nakita ko kung gaano kalakas ang pagkuyom ng mga kamay ni Axel habang kaharap nito ang kakilalang Doctor. Ang mga ugat sa kaniyang kamay ay lumitaw na dahil sa lakas ng kaniyang pagkuyom. Nababahala ko siyang tiningnan at pipi siyang pinakiusapan. Hindi ko matiis na tingnan siyang ganoon at hayaan na lang siyang naiinis kahit pa nararamdaman ko na kanina pa siya nagtitimpi sa galit. Mabaha ang pasensiya ni Axel at likas na sa kaniya ang pagiging mabait. Sobrang bilib talaga akosa ugali na meron siya dahil nakakayanan niyang magpigil sa nararamdaman niyang inis at galit na hindi kayang gawin ng iba. Siguro kung sa ibang tao ito ay baka kanina niya pa nasuntok ang kaharap. Kaya nag-isip ako ng paraan para mailayo ko siya sa binatang karibal niya sa negusyo. Ayaw kong magkagulo

