Habang nakikinig ako sa mga pinag-uusapan ng mga kaibigan ni Axel ay parang may kakaiba akong nararamdaman. Wala naman akong naiintindihan sa mga pinag-uusapan nila dahil about sa business ang topic nila. Pero kahit na wala akong kibo at walang masabi ay hindi ako hinayaan ni Axel na ma-out of place kasama ang mga kaibigan niya. Alam niya kasing hindi ako makakasabay sa mga kasamahan niya pero hindi ko maramdaman ang panliliit ko sa aking sarili. Mas inaasikaso niya pa nga ako ng husto kaysa sa mga kaibigan niya. At sa tuwing inaaya siya ng iba na may kakausapin lang saglit na importanteng mga tao ay hindi niya ako iniiwan. Na siyang dahilan kung bakit mas lalo akong humanga sa katangian na meron siya. Kahit isang beses ay hindi ko naalala na binalewala niya ako kahit isang be

