Hindi ko akalain na nakayanan ko ang bawat araw na nagdaan na hindi ko nakikita si Kobie. Hindi ko siya nakakausap ar hindi na nakakasama kahit na kahit na nasanay na akong nandiyan siya. Tatlong buwan na akong walang balita kay Kobie. Ginawa ko lang kaawa-awa ang sarili ko sa mga panahong hindi na kami nagkikita. Pero worth it naman ang pagtitiis ko dahil sa wakas ay nalagpasan ko na ang stage na para na akong nawalan ng gana sa buhay. Inaamin ko na nalulungkot pa rin ako ngayon at paminsan-minsan ay naiisip ko pa rin siya lalo na kapag wala akong ginagawa. Talagang tumaob na nga siya sa damdamin ko at nakabwelo ng mahalin ng puso ko. Naging huli na ang lahat para pigilan ang pagmamahal ko sa kaniya na naging dahilan kung bakit hindi ko na magawang umibig pa sa iba. Kaya ma

