Chapter 88

1471 Words

"Dahlia…" mahina niyang usal ng hindi pa rin ako napapakali. Mahina niyang niyugyog ang magkabila kong balikat at tinitigan ng seryoso. Parang binubutas niya ngayon ang ulo ko malaman lang ang laman ng isip at utak ko. Ang klase ng mga titig niya ay nakakapanghina ng mga tuhod. Lumabas ako sa hotel kung saan ginanap ang party dahil ayaw kong makita ako ng mga nakakakilala sa amin ni Axel. Mahapdi sa dibdib na para bang hindi na ako makahinga. Hindi ko man lang nagawang magpaliwag kay Axel. Pero kung hindi rin siya aalis, ano naman kaya ang sasabihin ko? Ano kaya ang ipapaliwanag ko sa kaniya? Kasi kahit wala naman akong ginagawang masama at kahit na hindi ko naman obligasyon na magpaliwag sa kaniya ay hindi ko pa rin ma-iaalis sa kaniya ang makaramdam ng hinagpis at selos.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD