"Tiyang...," mahina kong tawag kay tiyang ng makitang mahimbing pa rin ang tulog nito. Sa kauna-unahang pagkakataon ito pa lang ang unang beses na gigisingin ko siya habang tulog. Lagi kasing siya ang gumigising sa akin. Minsan nga kahit may alarm clock na ako ay hindi pa rin ako nagigising hangga't hindi si Tiyang Lala ang gumigising sa akin. Kailangan na rin kasi niyang kumain at uminom ng kaniyang gamot. "Tiyang, gumising na po kayo. May hinanda po ako para sa inyo, gusto niyo po ng meryenda? Ano po ang gusto niyong kainin sa hapunan? Ipagluluto ko po kayo ng masarap, sabihin niyo lang po sa akin, Tiyang. Ano po?" patuloy kong tanong kahit na hindi naman ako sigurado kung naririnig niya nga ba ako. Wala akong sagot na nakuha mula kay Tiyang Lala kaya umupo ako sa gilid ng kama

