Hindi pa rin ako makapaniwala na sa isang iglap ay mawawala sa akin ang isa sa mga importanteng tao na pinaghuhugutan ko nang lakas. Ang isa sa mga taong pinakamahalaga sa akin. Kahit ang tagal na naming nagkasama ni Tiyang Lala. Pakiramdam ko ay kulang pa rin sa akin ang mga taon na pinagsaluhan naming hirap at saya. Mga taon na mgakasama kami sa mga problema. Magkasama at magkasangga kaming dalawa para labanan ang lahat ng pagsubok sa buhay. Gustuhin ko man na magtampo dahil hindi man lang siya nagsabi sa akin pero wala ng saysay. Hindi man lang niya ako tinawag na nahihirapan na pala siyang huminga. At kahit gustuhin ko man magalit dahil hindi man lang namin na sulit ang huling sandali ng buhay niya ay wala na ring halaga dahil wala na siya. Hindi na siya babalik kahit k

